Ekonomiya ng bansa

Ekonomiya ng bansa, bahagyang bumaba

Business National News

BAHAGYANG bumaba ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa ikatlong bahagi ng taon.

Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang 6.1% na Gross Domestic Product (GDP) growth sa third quarter ng 2018.

Mababa ito kumpara sa 6.2 noong second quarter at sa 7.2 percent sa kaparehong panahon noong 2017.

Bumagal ang pag-usad ng GDP dahil sa pagbaba ng agriculture output.

Dulot ito ng mga iniwang pinsala ng mga bagyo sa ilang bahagi ng bansa.

Pinakamalaking kontribusyon pa rin sa GDP growth ang services sector.

Lumago ang naturang sektor ng 6.9% at sinundan ito ng industry sector na umusad ng 6.2%.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *