suplay ng tubig

Ilang barangay sa Metro Manila, mawawalan ng suplay ng tubig

Metro Manila

MAWAWALAN ng suplay ng tubig sa loob ng walong oras ang nasa tatlumpu’t dalawang barangay sa Maynila.

Kabilang dito ang mga barangay ng Mandaluyong, San Juan, Pasig at Quezon City.

Sa abiso ng Manila Water, magsisimula ang water interruption ng 10:00 ngayong gabi  hanggang 6:00 ng umaga bukas.

Ito ay dahil sa gagawing emergency leak repair sa bahagi ng C. Benitez Street kanto ng Mariposa Street.

Matatagpuan ito sa Barangay Horseshoe, Quezon City.

Kabilang sa mga apektadong barangay sa Mandaluyong ay ang Wack-Wack, Mauway, Addition Hills, Highway Hills, Malamig, Buwayang Bato.

Kabilang din ang Barangka Ilaya, Plainview, Barangka Itaas, Barangka Ibaba, Barangka Drive, Pleasant Hills at Hulo.

Sa Pasig ay ang mga Barangay Ugong, Oranbo, Pineda, Bagong Ilog, Kapitolyo at San Antonio.

Habang sa San Juan ay ang mga Barangay Greenhills, Addition Hills, Little Baguio, Pasadena, Corazon de Jesus at West Crame.

Apektado naman ang mga Barangay Kaunlaran, Bagong Lipunan, Horseshoe, Valencia, Immaculate Conception, San Martin de Porres at Ugong Norte sa Quezon City.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *