Human Rights Watch

Malakanyang, tinutulan ang panukala ng Human Rights Watch

National News

KINONTRA ng Malacańang ang panukala ng Human Rights Watch (HRW).

Pinanukala nito na bumuo ang gobiyerno ng isang independent commission.

Ang naturang komisyon ay mag-iimbestiga sa umano’y pagpatay ng mga pulis sa mga illegal drugs suspects.

Iginiit ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na paghihimasok sa domestic affairs ng bansa ang nais ng HRW.

Nagtulak sa HRW na magkaroon ng independent commission matapos ang pag-amin ni PNP Chief for Central Visayas Chief Supt. Debold Dinas.

Ayon kay Dinas na ilang pulis umano ang nagiging “hitmen” ng mga drug lords sa Visayas.

Ayon kay Panelo, mayroon namang mekanismo ang PNP tulad ng internal affairs service.

Ito ay siyang umaaksyon sa kaso ng mga tiwaling pulis.

Kasama rin ang Commission on Human Rights at Kongreso na nag-iimbestiga sa mga pag-aabuso ng mga otoridad.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *