major player

Mislatel, nahirang bilang 3rd telco major player ng bansa

Business National News

NAKAPILI na ang National Telecommunications Commission (NTC) ng bagong major player sa telco industry.

Ito ay tatapat sa dalawang major telcos na Smart-PLDT at Globe.

Iginawad sa pinagsamang puwersa ng Mindanao based na Mislatel Consortium.

Kabilang dito ang Mindanao Islamic Telecom, Udenna Corp., Chelsea Holdings at China Telecom.

Ang mga ito ay magiging provisional new major player sa telco industry.

Ito ay matapos dumaan sa masusing evaluation ng selection committee mula NTC.

Ayon sa NTC, dadaan pa rin ang nasabing mga kompanya sa document verification ng technical working group.

Ito ay sa loob ng tatlong araw.

Samantala, hindi naman pumasa sa bidding at evaluation process ang Philippine Telegraph and Telephone Corp. (PT&T).

Maging ang Sear Consortium na kinabibilangan ng Tierone Telecom at LCS Group of Companies ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.

Nangako naman ang Udenna Corporation na pagsisikapan nila na maibigay sa mga Pilipino ang ipinangakong serbisyo.

Ito ang pahayag ng Udenna spokesperson Adel Tamano.

Matapos mapili ng National Telecommunications Commission (NTC) ang kinabibilangan nilang Mislatel Consotium bilang provisional new major player (NMP) ng bansa.

Sinabi ni Tamano na ihahatid nila sa publiko ang world class telecommunication service.

Ibinasura naman ng NTC ang partisipasyon ng UK based telco company na Sear Telecom.

Ayon sa NTC, bigo ang kumpanya na magsumite ng required participation security.

Dahilan ito kung bakit hindi nila nakumpleto ang bidding requirements.

Nakatakda naman maghain ng motion for reconsideration ang Sear Telecom para iapela ang desisyon ng NTC.

Ang Sear telecom ay bahagi ng consurtium ng Tierone Communications na pagmamay-ari ng negosyanteng si Chavit Singson.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *