walang iregularidad

Walang iregularidad sa pagpili ng 3rd telco player -DICT

Business National News

TINIYAK ng Department of Information and Communications Technology o DICT sa publiko na walang iregularidad sa proseso ng bidding.

Kaugnay ito sa pagpasok ng ikatlong major telecommunications player sa bansa.

Ayon kay DICT acting Secretary Eliseo Rio Jr., halos isang taon isinagawa ang public forum na dinaluhan ng mga ito.

Kaya’t nagtataka siya kung bakit ngayon lang lumabas ang mga reklamo.

Ito ay matapos magreklamo ang mga na-disqualify sa bidding process.

Anila, hindi ipinaalam sa kanila ng National Telecommunications Commisson o NTC  ang mga bagong patakaran.

Kaugnay sa proseso ng pagpili para sa third telco.

Ilan sa mga na-disqualify ay ang Philippine Telegraph and Telephone Corp. (PT&T) dahil wala itong Certificate of Technical Capability.

Natanggal din ang Sear Telecom, na pagmamay-ari ng Tierone Communications International at LCS Group of Companies ng mga Singson.

Dahil sa hindi pagsubmit ng “participation security” na nagkakahalaga ng P700M.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *