8,000 pamilya

8,000 pamilya na Yolanda survivors, nakatira na sa mga pabahay

National News Regional

Nasa 8,000 pamilya na ang nakatira sa mga pabahay sa Tacloban City, Leyte.

Gayunman, ayon kay dating Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, hindi lahat ng bahay ay may suplay na ng tubig at kuryente.

Sinabi ni Romualdez na sa kanilang master plan ay nasa 14,500 ang hiniling nilang pabahay.

Para sa mga sinalanta ng super Typhoon Yolanda, limang taon na ang nakalilipas.

Isa aniya sa naging problema sa housing project ay kahit tapos na ang konstruksyon ng isang bahay ay hindi pa ito maaring tirhan.

At hindi pa pwedeng mag-isyu ang pamahalaan ng occupancy permit.

Ito ay dahil wala pang utilities gaya ng kawalan ng suplay ng tubig at kuryente.

Dagdag ng dating alkalde, wala ring water connection ang mga bagong tayong regional hospital sa Tacloban.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *