Deficiency income tax

Deficiency income tax ng anak ni Janet Napoles, pinakokolekta

National News

IKINATUWA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang desisyon ng Court of Tax Appeals (CTA).

Sa pagbibigay nito ng go-signal na kolektahin ang halos P40M deficiency income tax.

Mula ito sa anak ng umano’y mastermind ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Inalis ng ruling ng korte ang lahat ng hadlang sa pangongolekta ng buwis mula kay Catherine Jeane Napoles.

Ayon ito sa Litigation lawyer ng BIR na tumangging pangalanan.

Sa desisyon ng C.T.A., ibinasura nito ang inihaing petisyon ni Catherine.

Petisyon nito na pigilan ang BIR na mangolekta ng buwis mula sa mga delingkwenteng accounts nito.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *