babaha ang drug money

Duterte, naniniwalang babaha ang drug money sa midterm elections

National News

INAASAHAN pa rin daw ni Pangulong Rodrigo Duterte  na babaha ang drug money sa darating na May 13 2019 midterm elections.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kabila ng mas pinaigting na anti-drug campaign ng gobiyerno.

Pero ayon sa pangulo, gagamitin lahat ng pamahalaan ang lahat ng assets nito.

Upang tuluyang masugpo ang iligal na droga sa bansa.

Samantala, sinabi ni Duterte na magpapalabas siya ng memorandum circular upang buhayin ang National Anti-Illegal Drug Task Force.

Ang task force ay bubuuin ng mga kinatawan mula sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines.

Kabilang din ang Bureau of Customs, Philippine Coast Guard, at iba pang ahensiya ng gobiyerno.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *