California canine

Isang California canine, nagviral dahil sa kakaibang trip

International News Lifestyle

ISANG California canine ang naging instant global celebrity ngayon sa Twitter.

Ito ay matapos mag-viral ang kwelang videong ito ng asong si “Akela the Great.”

Makikita sa video, ang pasensyosong si Akelah na naghihintay sa labas ng kanilang bahay sa pag-aakala nitong sarado ang pintuan.

Ayon sa amo nitong si Jensen Kendall, makailang beses nang nabunggo at nasaktan ang kanyang alaga sa screendoor.

Kung kaya’t ganoon na lamang ang pag-iingat nito.

Mula aniya ng madala si Bantay ay kinakailangan pa nilang magpanggap na buksan ang pintuan para ito’y pumasok.

Dahil dyan, umani ng halos 10 million views, 783 thousand likes at 241 thousand re-tweets ang inosenteng videong ito ni Akela.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *