OFW SUMMIT

Kaalaman sa tamang pag-iipon tampok sa OFW Summit

National News

OFW SUMMIT. SA kabila ng mga babala at paalaala ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Tungkol sa mga scam lalo na sa social media ay may iilan pa ring mga overseas Filipino workers ang nabibiktima ng panloloko.

May dahilan kung bakit kumakagat ang ilan sa mga OFW sa mga patibong ng mga scammers.

Ayon kay Toots Ople ng Ople Center ang kakulangan ng kaalaman sa tamang pagpapalago ang dahilan.

Binigyan diin ni Senator Cynthia Villar na kailangan itong tugunan at solusyonan.

Bagamat aniya ay maliit lamang na porsyento ang nalolokong mga OFW.

At ito ang isa sa mga programang hatid ng ikawalong OFW and Family Summit sa ilalim ng temang OFW pinaghirapang pera palaguin.

Ang nasabing summit ay lalahukan ng mga financial at business exerts maging ng mga ibat ibang ahensya ng pamahalaan at non-government organization.

Na makatutulong sa paglago ng ipon at magkaroon ng sariling negosyo.

Ang mga dadalo ay maaring manalo ng house and lot, motorsiklo, pangkabuhayan at appliance showcase.

Ang 8th OFW and Family Summit ay gaganapin sa Nobyembre 21 sa World Trade Center mula 8-5 ng hapon.

 DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *