Pagbuti ng operasyon

Pagbuti ng operasyon ng MRT-3, asahan sa susunod na taon

Metro Manila National News

ASAHAN na ang pagbuti ng operasyon ng MRT-3 sa ikatlong bahagi ng susunod na taon.

Ito ay matapos lagdaan na ng Philippine Government at Japan International Cooperation Agency (JICA) ang loan agreement kahapon.

Para ito sa ipatutupad na MRT-3 Rehabilitation Project.

Magsisimula ang pagtaas ng train capacity matapos ang unang pito hanggang siyam na buwang rehabilitasyon.

Habang ang full restoration ay inaasahan na makukumpleto matapos ang dalawampu’t anim na buwan.

Ayon ito kay Department of Transportation (DOTR) Undersecretary Timothy John Batan.

Sa kasagsagan ng rehabilitasyon, unti-unti rin aniyang tataas ang operation speed mula 30 kph hangang 60 kph.

Mababawasan na rin ang train intervals sa tatlo’t kalahating minuto mula sa kasalukuyang pito hanggang sampung minuto.

Napili para sa nasabing rehabilitation project ang orihinal na maintenance provider ng MRT-3 na Sumimoto.

Tiniyak naman ng DOTR sa publiko na hindi muna pag-uusapan ang taas-pasahe sa MRT.

Hangga’t hindi nakukumpleto ang rehabilitasyon at hindi nararamdaman ng mga pasahero improvement ng MRT-3.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *