ikinatuwa

Pagpapaaresto kay Rep. Imelda Marcos, ikinatuwa ng ilan

National News

Ikinatuwa at ikinagulat ni dating Commission on Human Rights (CHR) chairperson Etta Rosales ang desisyon ng Sandiganbayan.

Kaugnay sa mga kasong kinakaharap ni Incumbent Ilocos Norte Representative Imelda Marcos.

Sinabi ni Rosales na magandang balita ang hatol na guilty ng Anti-Graft Court sa 7 counts ng kasong katiwalian ng dating First Lady.

Kaugnay ito ng paggamit ng kanyang cabinet position para panatilihin ang Swiss Bank accounts sa kasagsagan ng Rehimeng Marcos.

Ginawa aniya ng Sandiganbayan ang kanilang tungkulin bagaman inabot ito ng 2 dekada.

Dagdag ni Rosales, binigyan ng pag-asa ng Anti-Graft Court ang mga mamamayan.

Lalo na ang mga biktima at survivor ng Martial Law dahil sa kanilang desisyon.

Para naman kay dating Solicitor General Atty. Pilo Hilbay, napatunayan sa pasyang ito ang pag-abuso ni dating First Lady.

Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang posisyon.

“Napatunayan sa pasyang ito ang pag-abuso ni dating first lady Imelda Marcos sa kanyang posisyon at paggamit ng kapangyarihan sa kamalian.”

Lumitaw rin aniya ang katotohanan na pilit pinagtatakpan gamit ang mga kinulimbat na yaman mula sa taumbayan.

Sa huli, dismayado naman ito dahil sa hanggang sa ngayon ay nangyayari pa rin ang mga pang-aabusong ito.

“Masakit man, ngunit ang katotohanan, nangyayari pa rin ang mga pang-aabusong ito hanggang sa kasalukuyan.”

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *