RDC-8

RDC-8, umaasa na ire-reallocate ang hindi nagastos na pondo

National News Regional

UMAASA ang Regional Development Council o RDC-8 sa positibong tugon ng pamahalaan sa kanilang hiling.

Hiniling anilang i-reallocate ang hindi nagastos na pondo na ibinalik sa National Treasury.

Ang naturang pondo ay para sa rehabilitasyon sa mga sinalantang lugar ng super typhoon Yolanda.

Ito ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Regional Director at kay RDC Vice Chairman Bonifacio Uy.

Kasabay ito ng paggunita ng ikalimang taon anibersaryo ng paghagupit ni super thypoon at pag-alala sa mga nasawi nito.

Ayon kay Uy, naghihintay sila ng updates mula sa gobyerno hinggil sa kanilang kahilingan.

Sinabi ni Uy na kailangan ang bilyung-bilyong pisong pondo para matugunan ang rehabilitasyon sa Eastern Visayas.

Partikular ang permanenteng pabahay para sa mga sinalanta ng super typhoon.

Giit nito, inilaan ang pondo para sa Yolanda rehabilitation kaya’t marapat lamang na ibalik ito sa rehiyon.

Tinukoy ni Uy na ang mga hindi nagastos na pondo ay mula sa calamity fund, National Disaster Risk Reduction and Management fund.

Kabilang din ang quick response fund, automatic at supplemental appropriation, realignments and savings at regular agency funds.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *