pamamahagi ng fare matrix

LTFRB, tuloy ang pamamahagi ng fare matrix

National News

PATULOY ang pamamahagi ng fare matrix ng LTFRB habang nakatakdang dinggin ang petisyong ibaba ang pasahe ngayong buwan.

Nagdesisyon ang board na tanggapin ang fare rollback petition sa kabila ng compliance issues sa liham.

Ayon ito kay LTFRB Chairman Atty. Martin Delgra III.

Sinabi ni Delgra na kailangan nilang ituloy ang distribusyon ng taripa sa mga operator ng jeep at bus.

Para makasingil na sila ng mataas na pasahe.

Malapit na rin aniyang maging available online ang fare matrix sa pamamagitan ng website ng LTFRB.

Dagdag ni Delgra, bukod sa pagdinig sa petisyong ibaba ang pasahe sa jeep at bus ay nakatakda ring magkaroon ng technical working group.

Para matugunan ang mga isyu sa pagdetermina ng pasahe, alinsunod sa kautusan ni Transport Secretary Arthur Tugade.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *