Pagkakapatay

Pagkakapatay ng isang businessman sa Subic, iimbestigahan

National News Regional

IIMBESTIGAHAN ng Senado ang pagkakapatay sa businessman na si Dominic Sytin sa Subic Free Port Zone kagabi.

Sinabi ni Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri na kinokondena ng Senado ang pagkakapatay kay Sytin.

Kilala itong kaibigan ng mga senador at ng mga miyembro ng gabinete ng pangulo.

Kwento ng senador, bumuhos ang suporta para tuldukan ang Culture of Impunity o patayan.

Ito ay sa pamamagitan ng Viber group ng kanyang mga kasamang mambabatas kagabi.

Sa katunayan aniya, isang resolusyon ang napagkasunduang isumite sa Senado.

Upang umarangkada na ang nasabing imbestigasyon.

Kabilang aniya sa naghayag ng pagsuporta sa imbestigasyon sa pagkakapatay kay Sytin ay sina Senador Joel Villanueva, Ping Lacson, Dick Gordon.

Ganun din sina Gregorio Honasan, Ralph Recto, Senate President Tito Sotto, Senadora Grace Poe at marami pang iba.

Si Sytin ay binaril ng mga di kilalang armadong kalalakihan sa entrance ng isang hotel sa Subic Free Port kagabi.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *