Police Chief

Police Chief Insp. Espenido, muling itinalaga sa Ozamiz City

National News Regional

MULING ibinalik bilang ang hepe ng Ozamiz City si Police Chief Inspector Jovie Espenido.

Kasunod na rin ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde.

Para tapusin ni Espenido ang iligal na droga sa lungsod.

Epektibo ngayong araw ang paglipat ni Espenido sa PNP Region 10 mula sa PNP Region 8.

Ayon ito sa reassignment order na inilabas ng PNP.

Ikinatuwa naman ni Espenido ang muli niyang pagkakatalaga sa Ozamiz City dahil may hindi pa siyang natatapos na trabaho sa lugar.

Matatandaang si Espenido ang nanguna sa anti-drug operation.

Kung saan nasawi si  Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog habang naaresto ang anak nito at iba pa.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *