Kazakhstan

Gilas Pilipinas, handa na sa laban kontra Kazakhstan

Sports

SA kabila ng limitadong preparasyon ay handa nang harapin ng Gilas ang Kazakhstan sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers, mamayang gabi.

Ito ang siniguro ni Gilas head coach Yeng Guiao bagaman hindi sila nag-praktis ngayong araw.

At hindi nagkaroon ng matinding ensayo kahapon ang national team.

Sinabi ni Guiao na nagkaroon muna ng film viewing session ang kanyang players bago sumabak sa last at light practice, kahapon.

Dagdag ng head coach, minabuti niyang makapagpahinga nang mabuti ang kanyang mga manlalaro.

Dahil sa inaasahang matinding physical game laban sa Kazakhstan mamaya.

Huling nagkasagupa ang dalawang koponan sa 2018 Asian Games noong Agosto.

Kung saan pinadapa ng Gilas ang Kazakhstan sa score na 96-59.

Gaganapin mamayang alas-7:30 ng gabi ang sagupaang Gilas at Kazakhstan, sa Mall of Asia Arena.

 

DZAR1026

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *