mahigit 200 ang sugatan

3 patay, mahigit 200 ang sugatan matapos ang riot sa France

International News International.

TATLO ang patay habang mahigit 200 ang sugatan sa Paris, France.

Matapos ang pagpoprotesta na nauwi sa isang matinding riot kung saan nagmistulang battle zone ang Paris.

Nagprotesta ang mga average-workers na Pranses dahil sa umano’y pagtaas ng buwis at halaga ng pamumuhay sa bansa.

Nagbomba ng tubig at tear gas ang mga otoridad habang sinunog ang mga sasakyan.

Binasag din ang mga salamin at nagnakaw sa mga tindahan ang ilang protestante.

Ayon kay French President Emmanuel Macron ay hindi matitinag ng pagpoprotesta ang ipinatupad niyang reporma.

Habang pinag-iisipan ng pangulo ang pagpapakalat ng militar upang iwasang maulit ang kaguluhan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *