Multi-bilyong

Multi-bilyong piso na halaga ng pekeng sigarilyo, nakumpiska

Business Regional

NASA multi-bilyong halaga ng pekeng sigarilyo ang nakumpiska ng mga opisyal ng departamento sa bayan ng Mangaldan at Bugallon sa Pangasinan.

Kabilang dito ang mga opisyal ng Department of Finance, Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue.

Ang lighting-raid ay isinagawa sa dalawang factory na pinaniniwalaang ‘tip of the iceberg.’

Dahil katabi mismo ito ng bahay ng isang congressman.

Naaresto sa raid ang limang Chinese nationals na pawang tourist visa lamang ang hawak.

Kabilang ang 23 manggagawang Pinoy mula sa Mindanao.

Isinagawa ng operasyon sa pamamagitan ng warrant laban sa isang “Dong’ Calugay at mga John Does.

Sinasabing may-ari ng piggery at pabrika ang mga ito na frontman sa pabrika.

Nakumpiska sa raid ang multi-milyong halaga ng pekeng BIR tax stamps, bulto ng filter ng sigarilyo, 3-unit ng packing machines.

Kabilang sa nakumpiska ang 24 na filter rods, 134 sako ng cut filters, rolyo ng foil at cigarette papers.

Nabatid na ibinebenta ang mga pekeng sigarilyo sa mga bayan sa Region 1,2,3 at Metro Manila.

Kungsaan ay mas mura ang mga ito kumpara sa presyo ng mga branded na sigarilyo.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *