Phils Azkals

Phils Azkals, talo sa Vietnam sa semifinal match ng 2018 AFF Suzuki Cup

Sports

PINADAPA ng Vietnam ang Phils Azkals sa iskor na 2-1.

Ito ay sa kanilang semifinal match ng 2018 AFF Suzuki Cup sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

Sa unang labindalawang minuto ng laro, nakuha ng Vietnam ang unang puntos.

Agad naman itong naitabla ng Azkals sa 1-1.

Matapos maipasok ni Patrick Reichelt ang goal mula sa pasa ni Phil Younghusband ilang segundo bago ang halftime break.

Subalit pagpasok ng second half ay agad naipasok ng Vietnam ang pangalawang goal.

At naitala ang 2-1 sa loob ng 48 minuto.

Aminado si Azkals coach Sven-Goran Eriksson na naging matindi ang depensa ng Vietnam.

Sa Disyembre 6, kailangan ng Azkals ang dalawang goals sa muling paghaharap nila ng Vietnam.

Gaganapin ang susunod na paghaharap ng dalawang koponan sa My Dinh Stadium sa Vietnam.

 

DZAR026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *