Deadline

Deadline sa pagbibigay ng 13th month pay ipinaalala

Business National News

IPINAALALA ng DOLE ang deadline ng pagbibigay ng 13th month pay sa mga manggagawa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, may hanggang Disyembre 24 na lamang ang mga employer para maibigay ang 13th month pay0

Kung hindi ay mahaharap ang mga ito sa penalty.

Sinabi ni Bello na ang mga employer na mabibigong maibigay ito bago magpasko ay pagmumultahin o posibleng maipasara ang negosyo.

Gayunman, sinabi ng kalihim na maari namang magbigay ng exemption ang gobyerno.

Ito ay sa mga negosyo na walang kapasidad na magbigay ng 13th month pay bago magpasko.

Hangga’t maipakita na handa nila itong ibigay sa lalong madaling panahon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *