Pagbaba ng inflation rate

Pagbaba ng inflation rate nitong Nobyembre, welcome development

Business National News

WELCOME development para kay Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano ang pagbaba ng inflation rate nitong Nobyembre sa 6%.

Umaasa si Alejano na magpapatuloy ang pagbaba ng trend nito sa mga susunod na buwan.

Bagama’t nasa mataas pa rin na antas ang kasalukuyang inflation.

Sa kabilang banda, nangangamba naman ang mambabatas na isa sa mga kritiko ng administrasyon na baka tataas muli ang inflation rate.

Kapag ipinatupad na ang ikalawang package ng Train Law sa 2019.

Ayon sa mambabatas, sana ay ginawang pamasko na lang ng gobyerno sa taumbayan ang Tranch 2.

At hindi na ipatupad ang ikalawang bugso ng excise tax sa langis.

Sa ganitong paraan aniya ay mas mararamdaman ng mga Pilipino ang epekto ng pagbaba ng inflation rate sa bansa.

Kahapon ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng ikalang pagtaas ng excise tax sa langis sa pagpasok ng 2019.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *