Prangkisa

Prangkisa ng buong fleet ng Dimple Star bus, kinansela

Metro Manila Metro News

KINANSELA ng LTFRB ang labing isang prangkisa o buong fleet ng Dimple Star bus.

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra III, napagpasyahan nilang kanselahin ang prangkisa ng Dimple Star.

Matapos mahulog sa bangin sa Sablayan, Occidental Mindoro noong Marso 2018 ang isa nitong bus.

Nagresulta ito sa pagkasawi ng 19 na katao at pagkasugat ng 21 iba pa.

Una rito, pinatawan ng 30-day preventive suspension ang Dimple Star.

Sinabi pa ni Delgra na paulit-ulit na nasasangkot sa aksidente ang Dimple Star.

Sa datos ng LTFRB mula 2011 hanggang 2018, walong beses na nasangkot sa aksidente ang bus ng Dimple Star.

Kung saan 25 katao na ang nasawi at 134 ang sugatan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *