DoH Bicol

DoH Bicol nakaalerto sa posibleng paglabas ng water-borne diseases

National News Regional

NAKAALERTO na ang Department of Health o DoH Bicol sa posibleng paglabas ng water-borne diseases sa rehiyon dulot ng mga pagbaha.

Kaugnay nito, namamahagi na ang DoH ng mga gamot na leptospirosis prophylaxis.

Para maiwasan ang mga sakit na makukuha mula sa mga ihi at dumi ng daga.

Ayon kay DoH Bicol Dir. Ernie Vera, nakatutok din ang ahensya sa posibilidad na pagkakaroon ng diarrhea outbreak.

Dahil sa mga pagbaha at sirang water systems.

Sinabi ni Vera na naka-preposition na ang mga gamot nakailangan  bago pa man ang pagpasok ng sama ng panahon.

Aminado ang opisyal na problema ngayon sa rehiyon ang water sanitation kaya’t abiso sa publiko na pakuluan muna ang inuming tubig.

Samantala, nakahanda rin umano ang ahensya sa pagbibigay ng financial assistance at karagdagang gamot para sa mga apektadong munisipalidad.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *