Reklamong panggugulpi

Reklamong panggugulpi umano ni Rep. Pacquiao binawi

National News Regional

BINAWI ng pamilya ng dalawang menor de edad ang reklamong panggugulpi sa kanila ni Sarangani Rep. Ruel Pacquiao sa bisperas ng Bagong Taon.

Ayon sa mga nagrereklamo, hindi si Pacquiao ang gumulpi sa kanila dahil napagkamalan lamang daw nila ito.

Dahil dito, humingi ng paumanhin kay Paquiao ang pamilya ng mga biktima dahil sa kontrobersiyang kanilang idinulot.

Kaagad din namang tinanggap ng kogresista ang paghingi ng tawad ng dalawang menor de edad.

Una nang inireklamo sa pulis ng pamilya ng dalawang menor de edad ang umano’y pambubugbog ni Pacquiao.

Matapos mapagkamalang kasali ang mga ito sa drag race na isinasagawa sa tapat ng bahay ng kongresista.

Sa naunang reklamo ng mga biktima, hinarang umano sila ng mga bodyguard ni Pacquiao.

At pinapasok ang mga ito sa bahay ng kongresista kung saan nangyari ang panggugulpi.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *