nagwagi

Pilipinas, nagwagi sa Miss Tourism World 2019 Intercontinental

Showbiz

WALA pang isang buwan matapos ang pagkapanalo ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ay isang Filipina nanaman ang nagwagi.

Nakasungkit nito ang korona at tinanghal na reyna sa isang prestihiyosong pageant.

Ito’y matapos mapagtagumpayan ni Francesca Taruc ng Angeles City, Pampanga ang Miss Tourism World Intercontinental Final kagabi sa Nanjing, China.

Si Francesca ang kinoronahan bilang Miss Tourism World Intercontinental 2019.

Maliban dito ay ginawaran din ang Pinay beauty queen ng Best Body Special Award.

Hinirang naman bilang first at second runner up ang mga pambato ng Tatarstan at Ukraine.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *