World Bank

World Bank, nagbanta ng panganib sa world economy

International News International.

SA inilabas na semi-annual global economic prospects report ng World Bank ay sinabi nitong nagdudulot ng collateral damage ang U.S.-China Trade war.

At posibleng magdala pa ng mas malaking panganib sa global economy.

Aniya ay makikita ito sa pagtaas ng utang ng gobyerno at mga korporasyon at pagtaas ng interes.

Lalo na sa mga mahihirap na bansa habang apektado rin ang financial markets dahil sa Brexit.

Ayon sa report ay sakop ng US at China ang 20% ng global trade at 40% ng global GDP.

Kung kaya’t mararamdaman ng buong mundo ang pagbagsak ng kanilang ekonomiya.

Pinayuhan din ng World Bank ang mga miyembrong bansa na paghandaan ang panganib.

Baguhin din ang paraan ng paggastos, investment at pangungutang upang makagawa ng mga polisiya para mabawasan ang epekto nito.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *