Cyber security

Germany, nais pagtibayin ang Cyber security

International News

NAIS ng mga opisyal na pagtibayin ang Cyber security sa bansa matapos ang malawakang data breach.

Arestado ang isang 20 taong gulang na estudyante matapos ma-hack at mailabas sa Twitter ang mahahalagang impormasyon ng nasa 1,000 katao.

Kabilang dito ang impormasyon nina German Chancellor Angela Merkel, mga politiko, journalists at high-profile na mga indibidwal.

Inamin ng hindi pinapangalanang estudyante na nainis siya sa nababasabng public statements ng mga politiko, journalist at public figures sa internet.

Kaya napagdesisyunan niyang i-hack ang data ng mga ito.

Sinabi rin ng estudyante na mag-isa niyang ginawa ang data spying at hindi siya konektado sa isang aktibistang grupo.

Matapos ang masusing interogasyon ay pinalaya ang estudyante habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *