pulitiko

Paggamit ng lokal na pulitiko sa mga CAFGU, pinabulaanan

National News

PINASINUNGALINGAN ng Armed Forces of the Philippines ang alegasyon kaugnay sa nagagamit ang Civilian Armed Forces Geographical Unit o CAFGU ng mga lokal na pulitiko.

Sa kabila nito, tiniyak ng AFP na mahaharap sa parusa ang sinumang miyembro ng CAFGU.

Kapag ang mga ito ay mapapatunayang nakikisawsaw o magpapagamit sa local politics.

Sinabi ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Benjamin Madrigal na nasa kontrol ng AFP commanders ang CAFGU.

Mahigpit aniya ang bilin ng AFP na hindi dapat magagamit ng mga politiko o sa plebisito ang mga CAFGU.

Dagdag pa ni Madrigal na titiyak nilang na non-partisan ang mga ito.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *