tennis

Tennis player Novak Djokovic at Simona Halep, nangunguna sa Australian Open

Sports

HINDI na malaking gulat pa sa lahat ang pagkakapasok ng tennis star players bilang top players.

Ito’y sina Novak Djokovic at Simona Halep sa singles seedings list ng Australian Open.

Pumangalawa naman si Rafael Nadal habang nakuha naman ni Roger Federer ang rank no 3 sa men’s singles.

Habang idineklara namang second seed player sa women’s division ang defending singles champion na si Caroline Wozniacki.

Pumangatlo naman ang 2016 champion na si Angelique Kerber.

Si Serena Williams naman na nagkampeon sa Australian Open noong 2017 habang ito ay buntis ay lumagay lang sa 16th place.

Hindi naman makakalahok sa susunod na Australian Open ang lumagay sa 5th rank na si Juan del Potro.

Ito ay dahil sa kaniyang fractured right kneecap.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *