NANGUNA

The Favorite, nanguna sa nominasyon ng 2019 British Academy Film Awards

Showbiz

NANGUNA sa listahan ng mga nominado sa 2019 British Academy of Film and Television Arts (BAFTA) ang comedy-drama na “The Favorite”.

Nakatanggap ang nasabing pelikula ng 12 nominasyon kabilang na ang prehisteryosong Best Film at Best British Film award.

Nominado din bilang Best Actress ang lead star nitong si Olivia Colman.

Kamakailan lang ay nanalo si Colman ng Golden Globe sa kanyang pagganap sa naturang pelikula bilang Queen Anne.

Habang kapwa nakakuha ng pitong nominasyon ang pelikulang Bohemian Rhapsody, A Star is Born, First Man at Roma.

Gaganapin ang BAFTA 2019 sa Hollywood sa Pebrero 24.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *