Jong-Un

Xi Jinping at Kim Jong-Un, pinag-usapan ang denuclearization sa NoKor

International News

SA kanyang state visit sa China ay napag-usapan ni North Korean Pres. Kim Jong-Un at Chinese Pres. Xi Jinping ang magiging bahagi ng China.

Ito ay sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Korean Peninsula at denuclearization sa NoKor.

Ayon kay Xi ay umaasa siya na sa panibagong Trump-Kim Summit ay magkasundo ang dalawa sa usapin ng denuclearization.

Habang sinabi ni Kim na mananatili ang kanilang napagkasunduan ng US. Pres. sa nakaraang summit sa Singapore.

Kaugnay nito, ay sinabi ni Kim na umaasa siyang tatanggapin ng international community ang magiging resulta ng pangalawang Trump-Kim Summit.

Inaasahan din niyang papakinggan ng U.S. ang panig ng North Korea.

Tulad ng pagtanggal ng US sanctions sa NoKor upang maayos na maipatupad ang denuclearization sa bansa.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *