arraignment

Arraignment sa kasong grave threat ni Trillanes, itinakda

National News

ITINAKDA ng Pasay City Metropolitan Trial Court Branch 47 sa Pebrero 15 ang arraignment sa kasong grave threat ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Ito ay kaugnay sa isinampang reklamo ni Labor Undersecretary Jing Paras.

Sinabi nito na binantaan umano ni Trillanes ang kanyang buhay nang magkita sila sa Senate Session Hall noong nakaraang taon.

Iginiit ni Paras sinabihan siya ng senador na yayariin na sa kanyang pagkakaintindi ay nangangahulugan na papatayin o tatapusin siya nito.

Magugunita naman na una ng itinanggi ng senador ang paratang ni Paras na aniyang isang cellphone thief.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *