Gandara Police

Hepe ng Gandara Police, sinibak sa puwesto

National News

SINIBAK na sa pwesto ni NCRPO Police Chief Guillermo Eleazar ang deputy commander ng Gandara Police Community Precinct.

Kinilala ang police official na si Chief Inspector Alden Panganiban.

Ito ay matapos ireklamo ng pananakit ng tatlong tauhan ng NCRPO noong kasagsagan ng Traslacion ng Itim na Nazareno.

Nagreklamo ang mga bagitong pulis sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit at Regional Support Unit ng NCRPO.

Kungsaan ay pinagpapalo umano sila ng kahoy ni Panganiban dahil hindi nila nakontrol ang gulo ng mga tao.

Nagalit din umano si Panganiban matapos hindi masunod ang ilang utos nito.

Nakatakda namang sampahan ng pormal na kaso ng tatlong pulis si Panganiban sa NCRPO.

Ayon kay Eleazar, patuloy ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

Masususpinde naman ang mga nasabing pulis at mahaharap sa disobedience at insubordination.

Kung sakali namang mapatunayan na lumabag o nagmatigas ang mga ito kaya sila nasaktan.

DZAR 2016

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *