Estero

Ilang estero sa Maynila, inispeksyon

Metro News

NAGSAGAWA ng inspeksyon si Environment Sec. Roy Cimatu sa Estero de San Antonio Abad sa Maynila ngayong umaga.

Kasunod ito ng naging atas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DILG at DENR na pangunahan ang isasagawang rehabilitasyon ng Manila Bay.

Sa pag-iikot ng kalihim, agad nitong napansin ang mga inilalabas na tubig sa estero mula sa mga establisyimento sa paligid nito.

Samantala, agad na ipinag-utos ng kalihim ang immediate water sampling.

Para malaman kung gaano karumi ang tubig sa estero na nasa loob ng Manila Zoo.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *