Lady Gaga

Lady Gaga, ipapatanggal ang kaniyang duet kasama si R. Kelly

Showbiz

HUMINGI ng paumanhin ang Grammy award winning singer na si Lady Gaga.

Ito ay sa 2013 collaboration song na “Do What You Want (With My Body)” kasama R&B star na si R. Kelly.

Kasunod ito sa kinahaharap na reklamong sexual abuse at predatory behavior ng R&B singer.

Tiniyak ni Gaga na sinusuportahan niya ang mga biktima ni Kelly sa pagsampa ng kaso laban dito.

Aniya, nasa madilim lamang siya na yugto ng kaniyang buhay ng pagdesisyonan niyang gawin ang naturang kanta kasama si Kelly.

Nangako din si Gaga na ipatatanggal niya ang nasabing kanta sa lahat ng streaming services at platforms.

Enero 3 nang ipinalabas ang unang episode ng documentary series na “Surviving R. Kelly.”

Ang naturang documentary series na nagsa-detalye ng mga umano’y isinagawang sexual abuse nito.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *