landowners

Landowners, hindi ipagbibili ang kanilang lupa para sa border wall

International News

NANINDIGAN ang ilang landowners sa Texas na hindi ipagbibili ang kanilang mga lupa sa kahit anong halaga.

Para maitayo ang sinusulong na border wall ni U.S. Pres. Donald Trump.

Nakahanda rin silang kumuha ng abogado sakaling gamitin ng gobyerno ang eminent domain ang legal na pagbawi ng ari-arian para magamit ng publiko.

Kamakailan ay binisita ni Trump ang Texas, ang U.S. State na malapit sa border.

Upang kumbinsihin ang mga mamamayan sa panganib na dulot ng illegal migrants sa seguridad ng Amerika.

Nagsimula na rin magsurvey ang Federal govt sa Texas border at nag-anunsiyo na sisimulan na nila ang pagtatayo ng border wall sa susunod na buwan.

Kaugnay nito, napilitang magbukas ng fundraising acounts ang nasa 1,000 katao.

Upang makakuha ng pang-araw araw na panggastos matapos ang U.S. gov’t shutdown.

Ayon sa spokesman ng GoFundMe ay nasa USD $100,000 o mahigit P5M na ang kabuuang nalikom ng mga fundraisers.

Upang ipambayad sa renta, pambili ng groceries at iba pang mahahalagang bilihin.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *