ratings

Pangulong Duterte, napanatili ang approval at trust ratings

National News

NANATILI pa ring si Pangulong Rodrigo Duterte ang nakakuha ng mataas na approval at trust ratings.

Ito ay sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno sa pinakabagong survey ng Pulse Asia.

Batay sa survey na isinagawa noong Disyembre 14 hanggang 21, nakakuha ang pangulo ng 81% approval rating.

Mas mataas ito ng anim na porsyento kumpara sa September 2018 rating ng pangulo.

Nakapagtala rin ang pangulo ng 76% na trust rating na mas mataas ng apat na porsyento kumpara noong Setyembre.

Samantala, nakakuha si Vice President Leni Robredo ng 62 percent na approval rating at 56 percent na trust rating.

Si Senate President Tito Sotto III naman ay nakapagtala ng 76 percent na approval at 66 percent na trust rating.

Habang 27 percent na approval at 21 percent na trust rating lamang ang nakuha ni House Speaker Gloria Arroyo.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *