military equipment

Pilipinas, hindi na bibili ng mga armas at military equipment sa Amerika

National News

HINDI na bibili ng mga armas at military equipment ang Pilipinas sa United States.

Ito ang inanunsyo ng pangulo kasunod na rin ng banta ng Amerika.

Kungsaan ay magpapatupad ito ng sanctions sa mga bansang bumibili ng military equiment sa Russia.

Binanggit din ng pangulo na dahilan ang ginawang pagharang noon ng isang American senator.

Ito ay sa kasunduan sa pagbili ng armas ng Pilipinas sa Amerika dahil sa isyu ng human rights violations.

Sinabi pa ng pangulo, maliban sa Russia tutol din ang Amerika sa planong pagbili ng Pilipinas sa China.

Dahil aniya dito, posible aniyang sa South Korea o Israel na lang kukuha ng armas ang bansa.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *