Estrella-Pantaleon

Reconstruction schedule ng Estrella-Pantaleon Bridge, hindi pa rin pinal

Metro News

HINDI pa rin pinal ang reconstruction schedule ng Estrella-Pantaleon Bridge.

Sa unang anunsyo, isasara ang tulay bukas, araw ng Sabado gayunman naurong ito sa susunod na Sabado, Enero 19.

Ayon kay MMDA Assistant Secretary Celine Pialago, maari pa ring magbago ang nasabing skedyul.

Sinabi ni Pialago na magpupulong pa ang mga opisyal ng DPWH at MMDA.

Para pag-usapan ang reconstruction project at isapinal ang petsa para isagawa ito.

Ang tulay na nagkokonekta sa Rockwell sa Makati City at Mandaluyong City.

At palalawakin ito mula sa dalawang linya hanggang sa apat na linya.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *