Andy Murray

Tennis veteran Andy Murray, ipinahinga na ang kaniyang raketa

Sports

ISANG emosyonal na Andy Murray ang humarap ngayong araw sa media.

Matapos nitong inanunsyo ang kaniyang planong pagreretiro sa larangan ng tennis.

Ito ay kasunod pa din ng kaniyang iniindang hip injury.

Matatandaan na panandaliang huminto sa paglalaro ang tennis star na si Murray nitong nakaraang taon.

At hindi na tinuloy ang kaniyang kampanya sa Australian Open upang sumailalim sa isang surgery at nakabalik lamang nitong Hunyo.

Ani ng former world number one at 3-time grand slam winner na maaaring ang Australian Open ngayong taon ang magiging huli nitong tournament.

Gustuhin man aniya na lumahok pa sa Wimbledon ay hindi na nito kakayanin pa.

At tila talagang kailangan na nitong ipahinga ang kaniyang raketa.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *