Mactan Channel

Water sampling sa Mactan Channel isasagawa

National News

MAGSASAGAWA naman ng evaluation of water ang otoridad ng Cebu City sa Mactan Channel na naghahati ng Mainland Cebu at Mactan Island.

Dahil sa pagkakadiskubre nila ng mga lumulutang na hazardous hospital waste material sa seawater.

Makikipagtulungan naman ang pamunuan ng Cebu City sa mga Philippine Coast Guard na nakadestino sa kanilang lugar.

Upang isagawa ang nasabing water sampling.

Kaugnay nito ay naglabas din ang EMB-7 ng kaukulang multa sa dalawang ospital.

Kabilang dito ang DENR-accredited hospital waste treatment facility ng Davao City Environmental Care Inc. na pinagmulta ng PHP250,000 halaga.

At PHP110,000 naman sa Chong Hua Hospital para sa mga nagawa nitong mga violations.

Ayon sa mga lumabas na report, hindi maayos na naidokumento ng dalawang ospital ang pagdidispose nila ng mga hazardous waste sa seawater.

Humingi naman ng 15 araw ang parehong abogado na nabanggit na ospital upang linisin ang akusasyong ibinabato sa kanila.

DZAR 1026

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *