SUMUKO

41 drug suspects sa Maguindanao, sumuko

Regional

SUMUKO sa mga tauhan ng militar, pulisya at PDEA-ARMM ang nasa 41 mga illegal drug suspects sa lalawigan ng Maguindanao.

Nangauna sa pagsuko sina Teddy Biang at Anwaruddin Biang na pawang residente ng Barangay Bulod, Sultan Sabarongis, Maguindanao.

Pinanguanahan naman ni 33rd Infantry Battalion Commanding Officer Lt. Colonel Harold Cabunoc ang pangyayari.

Iniharap naman ni Sultan sa Barongis Mayor Ramdatu Angas ang mga sumukong drug suspects.

Hinamon rin Angas ang mga sumukong drug pusher na makiisa sa war on drugs sa kanilang komunidad.

Kaugnay nito, mas pinaigting pa ng militar, pulisya at PDEA ang kampanya laban sa pinagbabawal na droga.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *