livelihood

Livelihood assistance ilalaan sa mga residente ng Ilocos Norte

Regional

MAGLALAAN ang Department of Agriculture ng livelihood assistance sa mga residente ng Ilocos Norte na lubos na napinsala ng Bagyong Ompong.

Nito lamang Martes ay nakipag-usap na ang Provincial Veterinary Office sa mga makikinabang sa programa bago mapirmahan ang memorandum of agreement.

Sisimulan ang pamamahagi ng Animal Dispersal Program sa darating na Enero 22.

Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Loida Valenzuela, nasa isandaang baboy at kambing ang ipapamahagi sa susunod na linggo.

Napagkasunduan din sa nasabing programa na kapag nagsilang na ang mga hayop ay muli nila itong ibabalik sa munisipalidad ng Laoag.

At kanila naman itong ibibigay sa susunod na benepisyaryo.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *