pekeng MMDA

Pekeng MMDA traffic enforcer, arestado

Metro News

ARESTADO ang pekeng MMDA traffic enforcer na tangkang mangikil sa isang truck driver sa Katipunan Avenue sa Barangay Escopa, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Eddie Barkel, 45 anyos at taga Camarin, Caloocan.

Ayon sa MMDA, nag-iikot sila sa lugar nang matyempuhan ang suspek.

At matuklasan na lumang uniporme ang suot nito at wala din itong maipakitang ID.

Depensa ng suspek, napag-utusan lamang siya ng kanyang kaibigan na suotin ang naturang uniporme.

Mahaharap sa kasong usurpation of authority ang suspek.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *