Roger Federer

Kampanya ni Roger Federer sa Australian Open, natuldukan na

Sports

Natapos na ang kampanya ng tennis star na si Roger Federer sa nagpapatuloy na Australian Open.

Pinayuko ng Greek rising star na si Stefanos Tsitsipas si Federer sa score na 6-7, 7-6, 7-5, 7-6.

Dahil sa naging pagkatalo ni Federer ay bigo na rin itong masungkit ang kaniyang ikatlong Australian Open title.

Habang makokonsidera naman si Tsitsipas na kauna-unahang manlalaro na aabante at makakapasok sa grand slam quarterfinals.

Serena Williams, makakasagupa ang top seed player sa Australian Open

Samantala, makakaharap naman ng tennis veteran na si Serena Williams ang top seed player na si Simona Halep sa blockbuster last-16 clash sa Aussie Tournament.

Ito ang unang pagkakataon na makikipagtunggali si Williams sa top rank player mula ng makabalik ito matapos ang kaniyang pagbubuntis.

Habang makakaharap naman ng top seed Serbian na si Novak Djokovic ang fast-rising player na si Daniil Medvedev.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *