nakawan

Nakawan ng motorsiklo at kotse, pinakamarami sa Quezon City 

Metro News

NAKAPAGTALA ang Quezon City na pinakamaraming insidente ng nakawan ng motorsiklo at kotse noong 2018.

Animnapung insidente ng carnapping ang naitala sa lungsod noong nakaraang taon.

Batay ito sa datos mula sa PNP Directorate for Investigation and Detective Management.

Sa kabila nito, mas mababa ito ng apat na puntos sa datos noong 2017 na may 64 na kaso ng nakawan.

Sumunod naman sa Quezon City ang Maynila na may 27, Pasay na may 18, Caloocan na may 17.

Kabilang ang Zamboanga na may labindalawang kaso ng carnapping.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *