tobacco products

Excise tax rates sa tobacco products, isinusulong na itaas

National News

MULING umarangdaka ang pagdinig ng Senado sa mga panukalang itaas ang excise tax rates sa tobacco products.

Binigyang-diin ni Senator Manny Pacquiao na siyang naghain ng Senate Bill No. 1599 ang epekto sa katawan ng sigarilyo.

Hindi lamang sa smoker kundi sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Ito ay sa ikalawang pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Senador Sonny Angara.

Sinabi ni Pacquiao na naghahanap ng solusyon ang pamahalaan para magkaroon ng pondo.

At hindi na mangutang pa kada taon kaya’t naisip niyang taasan ang excise tax sa tobacco products.

Ito aniya ay dahil hindi na nila maaaring ipataw pa ang buwis sa mga pangunahin pangangailangan na magpapahirap pa sa mga mamamayan.

Dagdag ni Pacquiao, nais niyang itaas ang tobacco tax sa P60 kada pakete.

Para maprotektahan ang mga kabataan sa paninigarilyo at kumita ang gobyerno upang pondohan ang Universal Healthcare Program.

Kabilang sa dumalo sa pagdinig ay si Health Secretary Francisco Duque at mga kinatawan ng Department of Finance (DOF).

Una nang hiniling ng grupo ng mga doktor na pabilisin ang pagpasa ng Sin Tax measure.

Para matiyak ang sustainability ng Universal Health Care Program.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *