Jeff Horn

Jeff Horn, handang makipag-rematch kay Pacquiao

Sports

NAKAHANDA na umano si Australian Boxer Jeff Horn para sa isang boxing rematch kay Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao.

Sinabi ni Horn na napapanahon na para muli silang magtuos ni Pacquiao sa gitna ng boxing ring.

Matatandaang naging kontrobersyal ang WBO Welterweight Title Fight nina Pacquiao at Horn noong 2017.

Kung saan nagwagi ang Australyano sa pamamagitan ng unanimous decision.

Tiwala ang 30-year-old Australian boxer na sakaling matuloy ang rematch nila ni Pacquiao ay muli raw niya itong tatalunin.

Para patunayan na tama ang resulta ng kanilang unang laban.

Naghahanda na raw ang kampo ni Horn para makipag-usap sa premier boxing champions upang maisakatuparan ang Pacquiao rematch.

Samantala, hinamon din ni Keith Thurman si Pacquiao para sa isang boxing bout ngayong taon.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *