Alain Robert

Tinaguriang “French spider-man” na si Alain Robert, arestado

National News

NASA kustodiya na ng Makati police ang tinaguriang “French spider-man” na si Alain Robert.

Inaresto si Robert matapos umakyat sa apatnapu’t anim na palapag na gusali ng GT Tower sa Ayala, Makati City.

Nagdulot ng tensyon sa mga tao sa lugar ang pag-akyat ni Robert na inakala noong una ay magtatangkang tumalon sa gusali.   

Agad naman naglagay ng caution bag ang Makati rescue sakaling may masamang mangyari kay Robert.

Kungsaan ay mabilis na naakyat ang tuktok ng gusali maging ang pagbaba dito na walang gamit na harness.

Si Robert ay isang freeclimber at wala itong ginagamit na climbing equipment sa kanyang pag-akyat sa gusali.

Maraming gusali na rin sa iba’t ibang lugar sa mundo ang naakyat ng tinaguriang “French spider-man”.

Sinabi ng Makati police na maaring maharap si Robert sa reklamong nuisance, trespassing.

Kabilang na ang public disturbance dahil na rin sa kakulangan ng permit sa ginawa nito. 

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *